Ang Kulinawan ay isang awareness campaign na naglalayong magbigay ng mas malinaw na pag-unawa tungkol sa vitiligo sa pamamagitan ng edukasyon, pagkukuwento, at interaktibong materyales. Layunin nitong itama ang maling paniniwala, palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral at guro, at itaguyod ang pagtanggap sa bawat pagkakaiba. Sapagkat ang vitiligo ay hindi lamang pagbabago sa itsura, kundi bahagi ng kuwento at pagkatao ng bawat isa.
FOCAL
SEGMENTAL
NON-SEGMENTAL
Ako ay Isang Paru-paro ay kuwento ni Mariposa, isang batang may vitiligo na unti-unting natutong tanggapin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng sining, pag-unawa, at kabutihan ng mga taong nasa paligid niya. Gamit ang paru-paro bilang simbolo ng katatagan at pagkakaiba-iba, layunin ng aklat na magbigay ng tamang kaalaman tungkol sa vitiligo at hikayatin ang mga kabataang maging mas maunawain, mapagmalasakit, at bukas sa pagtanggap sa bawat isa.
Sa panayam na ito, ibinabahagi ni Ma’am Danica ang kanyang personal na karanasan sa pamumuhay na may vitiligo, kabilang ang mga hamon, maling akalang kanyang naranasan, at ang mga aral na kanyang natutuhan sa paglipas ng panahon. Sa pamamagitan ng kanyang kuwento, layunin ng panayam na magbigay ng mas malalim na pag-unawa tungkol sa vitiligo, hikayatin ang pagtanggap sa sarili at sa iba, at ipakita na ang kondisyon ay hindi hadlang sa kakayahan, pangarap, at pagkatao ng isang tao.